Paalala: Hindi po ito isang cheesy blog post na kakikiligan mo. Baka nga mainis ka pa.
On the way home, sa loob ng taxi, kasama ang mga co-divas ko, napagusapan naming ang isang nilalang na minsan akong remove sa friends list nya. Napag-alam ko recently na kinasal na ang loka. Ang kasal na 2 years nya yata pinaghandaan. At ayun, napunta ang aming diskusyon sa tanong na:
“Bakit kailangan bongga ang kasal?”
Sabi ng iba, kasi nga once in a lifetime lang yun. Ang iba naman, sabi it should be memorable. Utot nyo! Hindi yan totoo. Kung gusto ko lang yumaman, sana naging wedding planner ako. Iyan ang reyalidad. Ang kasal ngaun ang isang industriyang madaling pagkakitaan. Industriyang niloloko ang tao na para maging meaningful ang kasal eh GUMASTOS ka! Kung balak mong ikasasal, mahina na siguro ang gumastos ng 100k- 200k para sa isang araw na event.
Pero bakit? Kailangan ba talaga? Kailangan ba talagang may photo booth? Kailangan ba talagang may picture habang ng cu-cut ng cake, importante ba talaga ang pre-nup pics? Eh souvenirs, kailangan ba?
Kinakasal ang isang tao kasi gusto nyang makasama pang habang buhay ang isang tao. Isa itong pagkakaton para patunayan nyo ang sarili sa isa’t isa hindi magmayabang sa madlang pipol. Tapos may i-upload pa sa FB ang pics? Para ano? Mang-inggit?
Mag-aminan tayo, ganyang karamihan ang tao. Maraming kailangan ikasal sa ganyang paraan kasi iyan nag ine-expect ng tao o di kaya, naiinggit sa isang friend na nagpakasal ng bongga.
Ang siste, hindi pa kinakasal, ang dami ng gastos. Ngarag. Pressured. Tapos, kukuha ng sangkatutak na ninong at ninang para ano? Makabawi sa gastos? Haaay wag na tayong magplastikan. Ayan ang dahilan.
Tapos may video coverage, may photo coverage para ano? Itago hanggang mabulok after ng kasal?
Sige, kung mayaman ka at winawalis lang ang pera sa bakuran nyo, cge, go ahead magpakasal ka at magwaldas ka ng pera. Pero kung ordinary tax payer ka lang, wag ka na umarte. Make it simple. Iyang i-gagastos mo, itabi mo na lang. para kapag nagkaanak kayo, hindi kayo baon sa utang. O ipang down nyo sa bahay nyo para hindi kayo sa byenan mo kayo nakatira.
Kasal… unti-unti nang nawawala ang meaning nito. It is supposed to be an important event for 2 people, not for 200 or 300. Romantic hindi Gigantic. Kasal ito hindi sakal…sa gastos.
Kung mahal mo talaga ang isang tao at gusting patunayan ito sa kasal, ibahin mo ang diskarte. Huwag umayon sa kung ano ang nakasanayan. Para at at least memorable. At para kapag inaalala nyo ang kasal nyo, mapapangiti kayo at ma-iinlove uli sa isat-isa. Hindi yung wala kayong masyadong maalala kasi na late si bride, o palpak si wedding coordinator, o nawala ang singsing ni ring bearer, o di kaya naubusan ng handa ang caterer.
Hindi kinakailangan maging komplikado ang kasal. Naalala ko tuloy ang Sex and the City movie. Bongga lahat pero hindi natuloy. Kasi na pressure si Mr. Big. Sayang pa naman ang Vera Wang gown. Pero sa huli, kinasal si Carrie na suot ang isang suit na bili lang sa vintage shop. Nag reception lang sa isang resto kasama lang mga mga importanteng friends. Ayun, full of meaning at memorable. Hindi yung kasal ni Regine Velasquez na nakakauta sa karatehan at kaplastikan. Kulang na lang sumigaw ang director ng CUT! Yuck!
Ang kasal ay simula pa lang. Huwag kayong masyadong magcelebrate na akala nyo made in heaven ang relasyon nyo. For all I know, you are just in love with the idea of being in love, na in-love sa idea ng kasal, pagkatapos ng lahat ng hallucinating effect nag kasal na nakita ang realidad, ayan maghihiwalay na.
Actually, wala naman akong pakialam kung gusto nyo yan. Kayo naman magbabayad. Hindi ako. Kayo mapapagod hindi ako. Kayo naman ang sasakit ang paa kakalakad para magpapaicture sa bawat table ng mga guests. Kayo naman ang sisikmurahina ng tyan dahil hindi makakain kasi picture dito, cake cutting doon, open ng gifts dito at kung ano ano pa. sa ending ikaw nagbayad ng pagkain, ikaw hindi makakakain.
Kaplastikan. Pagyayabang. Yan ang dahilan kung bakit kailangan bongga ang kasal. Wag nyo kong awayin. Baka naman mali ako. Sana nga mali ako. Pero sige, doon sa nagbabalak magpakasal, itanong nyo sa mga sarili nyo:
- kaya ko bang ikasal sa huwes lang?
- kayak o bang ikasal na less than 50 lang ang imbitado?
- Pwede bang walang ng 15k lang budget ko?
Kung NO lahat ang sagot nyo eh ewan ko na sa inyo. Eh gusto nyo naman yan. Kung deadma kayo sa opinion ko, keri lang. Hindi ko intensyon ibahin ang pananaw nyo. AKo lang ito. Feeling ko lang ito. Opinyong kp lang ito. Hindi ko naman nilalahat. Kung naapektuhan ka, wichels ako care! May mga online wedding sites, wedding magazines, wedding planners, experts, designers, photographers at kung ano ano pa just to fill your wedding obsession. Opo, it can lead to obsession. walang pinagkaiba sa feeling na gustong gusto mong bumili ng bagong cellphone. Babush.






Recent Comments